Manny Pacquiao muling hinamon ng rematch si Floyd Mayweather Jr.

Muling hinamon ni Senator Manny Pacquiao ng rematch si Floyd Mayweather Jr.

Sa video na ibinahagi ni Pacquiao sa kaniyang Instagram makikitang kasama nito ang Chinese billionaire na si Jack Ma.

Suot ni Ma ang gloves at tumutira ng punches kay Pacquiao.

Pagkatapos ng sparring exercises, sinabi ni Pacquiao na kung nais ni Mayweather ng totoong laban ay muli silang magharap sa boxing ring.

Palaisipan naman sa lahat kung si Jack Ma ba ay kabahagi na ng team Pacquiao.

Binanggit din kasi ni Pacquiao sa video na si Jack Ma ay “the real Manny team”.

Mahigit kalahating milyon na ang views ng nasabing video mula nang i-upload ito kagabi.

Read more...