Metro Manila, ilang kalapit na lalawigan uulanin – PAGASA

Uulanin sa susunod na mga oras ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 7:05 ng umaga, Oct. 28 ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang Metro Manila Bulacan, Rizal at Quezon.

Ayon sa PAGASA, aasahan ang pagbaha at landslide sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

Read more...