Water level ng Angat at La Mesa dams muling nabawasan

Muling nabawasan ang water level ng Angat dam at iba pang dams sa Luzon.

Ayon sa PAGASA Hydro-metrology division, bahagyang nabawasan ang water level ng Angat dam na nasa 185.28 meters alas-6 umaga ng Lunes (October 28) mas mababa sa 185.39 meters na antas nito kahapon.

Bahagya ring nabawasan ang water level ng La Mesa dam na nasa 77.34 meters ngayong umaga mas mababa sa 77.37 meters na antas nito kahapon.

Nabawasan din ang lebel ng tubig ng Ipo, Ambuklao at Binga dams.

Samantala nadagdagan naman ang water level ng San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.

Read more...