Surigao del Norte niyanig ng M3.9 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang bayan ng San Francisco sa lalawigan ng Surigao del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang lindol sa layong 9 kilometers northwest ng San Francisco.

Naganap ang lilndol alas 6:33 ng umaga ng Lunes, Oct. 28.

May lalim na 14 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.

Naitala ang Intensity II sa Surigao City bunsod ng nasabing lindol.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...