Baron Geisler magiging tatay na

May bago nang papel na gagampanan si Baron Geisler – hindi sa palabas ngunit sa totoong buhay.

Ito ay matapos ianunsyo ng aktor sa Instagram na magsisilang siya at ang kanyang asawang si Jamie Marie Evangelista ng anak na babae.

Ibinahagi ni Geisler ang larawan ng sonogram ng bata.

Nakatakda umanong isilang ang kanyang anak sa February 2020 at papangalanan ito bilang Talitha Cumi.

Nanawagan ang aktor para sa maayos at ligtas na delivery ng kanyang asawa at nanghingi na rin ng tips para maging mabuting magulang.

Lubos ang pasasalamat ni Geisler sa Diyos sa anya’y blessing na natanggap.

Magugunitang ikinasal sina Geisler at Evangelista noong Setyembre sa isang civil ceremony.

Read more...