M3.9 na aftershock naitala sa Cotabato

Niyanig ng magnitude 3.9 na aftershock ang Cotabato alas-12:05 Lunes ng madaling araw.

Ito ay aftershock ng magnitude 6.3 na lindol noong October 16.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng aftershock ay sa layong 19 kilometro Timog-Silangan ng Tulunan.

May lalim ang pagyanig na 12 kilometro.

Naitala ang Intensity I sa Digos City at Instrumental Intensity II sa Malungon, Sarangani.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...