U.S. Pres. Donald Trump, kinumpirma ang pagkamatay ng lider ng ISIS sa Syria

Kinumpirma ni U.S. President Donald Trump ang pagkasawi ng Islamis State group leader na si Abu Bakr al-Baghdadi sa ikinasang military raid sa Syria.

Sa White House, inanunsiyo ni Trump ang pagkamatay ng numero unong lider ng teroristang grupo sa buong mundo.

Aniya, tumakas si al-Baghdadi sa isang tunnel kasama ang tatlo sa kaniyang mga anak at doon ng pagkamatay gamit ang suicide vest.

Sinabi pa nito na namatay ang terorista na parang aso.

Dagdag pa ni Trump, nakumpirmang si al-Baghdadi nga ang nasawi matapos lumabas na positibo sa isinagawang pagsusuri.

Nagpasalamat naman si Trump sa pakikipag-tulungan ng mga bansang Russia, Turkey, Syria at Iraq kasama ang Kurdish fighters ng Syria para sa suporta sa operasyon.

Read more...