Higit 1M halaga ng shabu nasabat sa buy-bust operation sa Caloocan

Timbog ang isang lalaking tulak ng droga sa buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. 168, Deparo, Caloocan, Linggo ng umaga.

Ayon sa ulat ng Caloocan Police, nakilala ang suspek na si Alcober Rosevelito 74-anyos.

Nakipagtransaksyon ang police poseur buyer laban kay Rosevelito at positibong nagbenta ito ng droga.

Matapos ang bentahan ay agad inaresto ang suspek at nakuhaan ng 150 gramo ng hinihinalang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng P1,020,000.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...