Ibinasura ng Sandiganbayan 4th Division ang kaso laban kay dating Pangulong Ferdinand Marcos at dating unang ginang Imelda Marcos dahil may depektong nakita sa mga ebidensyang inihain ng prosekusyon sa kaso.
Sa kaniyang radio program, sinabi ni Robredo na nakakadismaya ang naging dahilan sa pagbasura sa kaso.
Nakasaad aniya sa desisyon na sobrang labo na ng isinumiteng kopya ng ebidensya dahilan kaya hindi na makikita kung authentic itong kopya ng orihinal na dokumento.
Giit ni Robredo, ang mahalaga ay kung ano ang totoong nangyari sa kaso.
Kung mayroon aniyang depekto ang dokumento, kailangang mas pagtuunan ng atensyon para malaman ang laman ng dokumento.
Nakakapanlumo aniya dahil ang pinag-uusapan sa kaso ay pera ng taumbayan.