Road closures, traffic rerouting ipatutupad sa Makati City para sa Undas

Magpapatupad ng road closures at traffic rerouting sa ilang kalsada sa Makati City para sa nalalapit na paggunita ng Undas.

Sa abiso ng Makati Public Safety Department, epektibo ang road closures at traffic rerouting simula 12:01 ng madaling-araw ng Huwebes, October 31, hanggang 12:00 ng madaling-araw ng Sabado, November 2.

Narito ang listahan ng mga isasarang kalsada:
– South Avenue (Mula Metropolitan Avenue hanggang J.P. Rizal Street)
– Kalayaan Avenue (Mula Zapote Street hanggang N. Garcia Street)
– Vito Cruz Avenue Extension (P. Ocampo Avenue)
(Mula Zapote Street hanggang South Avenue)

Ipatutupad naman ang two-way traffic sa mga sumusunod:
– J.P. Rizal Avenue (Mula Makati Avenue hanggang Pasong Tirad Street at pabalik)
2. Zapote Avenue (Mula J.P. Rizal Avenue hanggang Metropolitan Avenue at pabalik)

Gagawin namang one-way traffic sa:
– Metropolitan Avenue (Mula South Avenue hanggang Jupiter Street)

Samantala, pinayuhan din ang mga motorista na asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko, stop-and-go at traffic re-rerouting scheme sa ilang kalsada:
– Ang mga sasakyan sa J.P. Rizal Avenue, mula Delpan Street – Eastbound papuntang Barangay Poblacion o Guadalupe Area, dapat dumeretso sa temporary two-way J.P. Rizal Avenue hanggang sa kanilang destinasyon.

– Ang mga sasakyan sa J.P. Rizal Avenue mula Makati Avenue Area – Westbound patungong Delpan Street o Manila City, dumeretso sa temporary two-way J.P. Rizal Avenue hanggang sa destinasyon.

– Ang mga sasakyan sa Ayala Avenue Extension mula Central Business District Area – Northbound at Westbound na papuntang The Circuit, Delpan Street, Sta. Ana – Manila Area, mula sa Ayala Avenue, Extension, kumaliwa sa Metropolitan Avenue at saka kumanan sa Zapote Street (temporary two-way). Pagkatapos nito, kumaliwa sa J.P. Rizal Avenue (temporary two-way) at kumanan sa A.P. Reyes Avenue papunta sa destinasyon.

– Ang mga sasakyan sa Ayala Avenue Extension, mula Central Business District Area – Eastbound na papunta sa N. Garcia, Bel-Air Villages, Makati Avenue at Makati City Hall, mula Ayala Avenue Extension, kumaliwa sa Metropolitan Avenue at saka kumanan sa Zapote Street (temporary two-way). Pagkatapos nito, kumanan sa J.P. Rizal Avenue (temporary two-way) at saka dumeretso sa Makati City Hall o Makati-Mandaluyong Bridge. Maaari ring kumanan ang mga motorista sa N. Garcia Street, at saka kumaliwa sa Kalayaan o Jupiter Street papunta sa destinasyon.

– Ang mga sasakyan sa J.P. Rizal Avenue mula Delpan at Sta. Ana Area – Southbound na papunta sa Makati Central Business District Area o Sen. Gil Puyat Avenue Area via Zapote Street, mula J.P. Rizal Street (temporary two-way), kumanan sa Zapote Street (temporary two-way), saka kumaliwa sa Kamagong Street patungong destinasyon.

Sinabi ng pamahalaang lungsod ng Makati na magpapakalat din ng mga traffic enforcer, pulis at medical personnel para umasiste sa publiko.

Magbabalik naman sa normal na traffic flow bandang 12:01 Linggo ng madaling-araw, November 3.

Read more...