Unang flight ng Korean Air sa Clark Airport, sinalubong ng water cannon salute

Photo grab from DOTr’s Facebook video

Dumating na ang unang flight ng Korean Air sa Clark International Airport (CRK), Linggo ng umaga.

Batay sa video na ibinahagi ng Department of Transportation (DOTr), makikitang sinalubong ang Korean Air Airbus A330 ng water cannon salute.

Dumating ang eroplano na lulan ng 220 pasahero bandang 10:45 ng umaga.

Nagmula ang eroplano sa Incheon sa Seoul, South Korea.

Ito ang unang flight ng Korean Air sa bagong service route na Clark at Incheon, South Korea.

Ayon kay Cheol Lee, regional manager ng Korean Air Manila, nakatakda bandang 1:10 ng hapon ang araw-araw na biyahe sa Clark Airport.

Dumalo naman sa programa sina Transportation Secretary Arthur Tugade, Clark International Airport Corp. president Joshua Bingcang at Lipad president Bi Yong Chungunco.

Read more...