LOOK: Marjorie, Inday Barretto naka-bonding ang pamilya

Sa gitna ng gulo sa magkakapatid na Barretto, spotted na nagkasama sina Marjorie Barretto at ina na si Estrella “Inday” Barretto kabilang ang ilan pang kaanak.

Gamit ang Instagram account, nag-post si Marjorie ng mga larawan kung saan makikita ang kanilang simpleng gathering.

Isinagawa ang simpleng gathering noong araw ng Sabado, October 26.

Sinabi ni Marjorie sa caption ng post na mayroong magaganda at masasamang araw.

Nagpasalamat ito sa Panginoon dahil sa magandang araw nito kasama ang ilang kamag-anak.

Kasama rin sina Dani Barretto at asawa na si Xavi Panlilio, JJ Barretto sa iba pa.

Read more...