4 na mangingisda, nailigtas matapos lumubog ang bangka sa cebu

Nailigtas ang apat na mangingisda makaraang lumubog ang sinasakyang bangka sa karagatang sakop ng Carcar City sa southern Cebu, Linggo ng umaga.

Ayon sa Philippine Coast Guard – Central Visayas, nagmula ang mga mangingisda sa Barangay Tangke sa Talisay City, Cebu.

Nakilala ang mga biktima na sina Eric Campo, 45-anyos; Hoven Gasalantan, 33-anyos; Jonas Padillo, 28-anyos; at Jaypee Gasalantan, 21-anyos.

Nagsasagawa ng maritime patrol ang Multirole Response Vessel ng PCG sa southern Cebu nang makita ang mga mangingisda bandang 9:22 ng umaga.

Samantala, dinala na ang sasakyang-pandagat ng mga mangingisda sa Aduana Wharf sa Pier 1 sa Cebu City.

Read more...