2 umano’y tulak ng droga, timbog sa Quezon province

Inquirer file photo

Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng droga sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon province.

Batay sa ulat ng Quezon police, positibong nakabili ang pulis na nagsilbing poseur buyer sa operasyon ng shabu sa suspek na si Ronnie Orlin, 24-anyos.

Isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Barangay Sampaloc 2 sa bayan ng Sariaya bandang 12:40, Linggo ng madaling-araw.

Nakuha kay Orlin ang isang pakete ng shabu at isang 12 gauge shotgun na kargado ng isang bala.

Ang suspek ay kilalang notoryus na shabu distributor sa nasabing barangay at ilang kalapit-lugar.

Samantala, nahuli naman ang isa pang hinihinalang drug pusher sa Lucena City, Sabado ng gabi.

Naaresto ng mga otoridad ang suspek na si Anthony de los Reyes, 36-anyos, sa Barangay Ibabang Iyam bandang 9:35 ng gabi.

Nakuha sa suspek ang pitong pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P10,890.

Read more...