Antas ng tubig sa Angat Dam, patuloy na nababawasan

Photo credit: PAGASA Hydrology Division/Twitter

Patuloy na nababawasan ang antas ng tubig sa Angat Dam.

Ayon sa PAGASA Hydrology Division, sa nakalipas na 24 oras, bahagyang nabawasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam at ngayon ay nasa 185.39 meters bandang 6:00, Linggo ng umaga.

Nabawasan din ang tubig sa Ipo at La Mesa Dam na nasa 100.29 meters at 77.37 meters.

Bahagya ring nabawasan ang lebel ng tubig sa Ambuklao, Binga at Caliraya Dams.

Samantala, pawang nadagdagan naman ang antas ng tubig sa San Roque, Pantabangan at Magat Dams.

Read more...