Magnitude 3.4 na lindol, yumanig sa Davao Occidental

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa Davao Occidental, Linggo ng umaga.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 334 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 10:23 ng umaga.

May lalim ang lindol na 9 kilometers at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...