K-pop star na si G-Dragon, natapos ang kanyang military service

Natapos na ang 20 months of military service ang isa sa mga miyembro ng K-pop group na Big Bang na si G-Dragon.

Sabado ng umaga, Oct. 26, inabangan ng mga Fans ang paglabas ng 31-year-old Big Bang rapper mula sa army headquarters sa Yongin, Southeast ng Seoul, South Korea.

Pinasalamatan naman ni G-Dragon ang kanyang mga fans na naghintay sa kanyang paglabas mula sa army headquarters ng nasabing bansa.

Aniya hindi na siya sundalo at babalik na siya sa kanyang trabaho.

Ang Big Bang ay isa sa pinakasikat na K-pop group sa South Korea at sa buong mundo kung saan ang kantang Bang, Bang, Bang ay ang isa sa kanilang mga hit songs noong 2015.

Sa ilalim ng batas ng South Korea, pagsapit ng 28 taong gulang ng mga lalaki ay sapilitan itong ipapasok sa military service.

Read more...