Nasabat ng Department of Agriculture (DA) ang dalawang containers na naglalaman ng mga karne ng baboy at iba pang meat products na mula sa ibang bansa na affected ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay DA Secretary William Dar, nangyari ang pagkasabat ng nasabing dalawang containers sa Port of Manila na galing sa China ngayong linggo.
Naharang ang nasabing shipment ng DA’s anti-smuggling unit, Compliance and Regulatory Enforcement for Security and Trade (CREST) Office, Bureau of Animal Industry Veterinary Quarantine Officers, at kasama ang Bureau of Customs (BOC).
Napagalaman na mali ang nakalagay sa mga dokumento ng nasabing shipment dahil nakasaad dito na naglalaman ito ng tomato paste at vermicelli o patsa, pero noong inspeksyonin tumambad ang pork meat at pork products at iba pang frozen products.
Noong nakaraang taon, nagdeklara ng ban ang DA sa mga bansa na apektado ng ASF, kabilang dito ay ang China, Belgium, Bulgaria, Cambodia, Czech Republic, Hongkong, Hungary, North Korea, Laos, Latvia, Moldova, Mongolia, Myanmar, Poland, Romania Russia, Serbia, Slovakia, South Africa, Ukraine, Vietnam, Zambia, Zimbabwe at Germany.