Lalaki napagtrip-ang silaban ng kainuman sa Davao City

Nalapnos ang likurang bahagi ng katawan ng isang lalaking nakatulog sa kalasingan sa Barangay Bangkas Heights Toril sa lungsod ng Davao nitong Huwebes, October 27, 2019.

Nangyari ang insidente nang umano’y silaban ng kainumang kapitbahay ang likod ng biktimang kinilalang si William Chiong.

Ayon sa pahayag ng pinsan ng biktima, nakikipag inuman noon si Chiong sa kanyang mga kapitbahay nang makatulog ito sa ilalim ng isang puno dahil sa labis na kalasingan.

Sa inisyal naman na imbestigasyon ng pulisya, napagtrip-an ng mga lasing na suspek na gisingin ang natutulog na biktima sa pamamagitan ng pagsisilab sa damit nito gamit ang dahon ng niyog at mga plastik pero hindi agad nagising si Chiong kaya lumaki pa ang apoy dahilan para malapnos ang balat ng nito.

Agad namang dinala sa pagamutan si Chiong na kalaunan ay pinalabas din matapos na gamutin ang mga pinsalang tinamo nito. Pero muling isinugod ang biktima sa ospital nitong Sabado, October 26, 2019, dahil sa pagsusuka.

Hindi pa naman pormal na naghahain ng kaso si Chiong laban sa mga suspek.

Read more...