Number 2 most wanted person sa bayan ng Sofronio Española, naaresto na

Photo Credit: PRO MIMAROPA

Hawak na ng Sofronio Española Municipal Police Station ang number 2 sa kanilang listahan na Most Wanted Person.

Naaresto ang suspek na si Jerry Esler Dubria, 40-anyos, residente ng nasabing bayan na may warrant of arrest sa kasong Murder.

Isinagawa ng mga pulis ang operasyon laban sa suspek sa bayan ng Sofronio Española, lalawigan ng Palawan bandang alas-6:45, Sabado ng umaga, Oct. 26.

Ayon sa mga pulis, si Judge Ramon Chito R. Mendoza, RTC Branch 165, Brooke’s Point, Palawan ang naghain ang warrant of arrest laban sa suspek.

Nakapiit na ang suspek sa Sofronio Española Municipal Police Station para kaharapin ang kasong isanampa laban sa kanya.

Read more...