Tinupok ng apoy ang isang bahay sa Barangay Bahay Toro sa Quezon City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, pasado 6 ng gabi ng Sabado, October 26, 2019 nang nagsimulang sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay sa bahagi ng Carmel 3 Subdivision.
Umabot lang sa unang alarma ang sunog at naideklarang fire out pagkalipas ng isang oras.
Wala namang napaulat na nasaktan sa nasabing sunog ngunit tinatayang aabot naman sa P200,000 ang halaga ng mga napinsalang kagamitan ang naiwan nito.
Kasalukuyan pa rin na inaalam ng mga otoridad kung ano ang pinagmulan ng nasabing insidente.
MOST READ
LATEST STORIES