Puerto Rico, naiuwi ang kauna-unahang korona ng Miss Earth 2019 pageant

Nasungkit ng pambato ng Puerto Rico na si Ms. Nellys Pimentel ang korona ng Miss Earth 2019.

Si Pimentel ay isang psychology graduate at kauna-unahang Puerto Rican na nanalo sa Miss Earth pageant.

Tinalo ni Pimentel ang 84 na kandidata na nagmula pa sa iba’t ibang bansa.

Itinanghal naman na Miss Earth Air 2019 ang pambato ng USA na si Ms. Emanii Davis.

Habang nakuha naman ni Klára Vavrušková ng Czech Republic ang Miss Earth Water 2019 at Miss Earth Fire 2019 si Ms. Alisa Manenok ng Belarus.

Samantala, nagtapos naman sa Top 20 ang pambato ng Pilipinas na si Ms. Janelle Tee.

Ginanap ang coronation night ng Miss Earth 2019 sa Okada Manila, Sabado ng gabi, Oct.

Read more...