Inihayag ng pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magsasagawa ng maintenance activities sa pasilidad na nasa Negros Oriental bukas, Oct.27.
Kaya naman pansamantalang ititigil muna ng NGCP ang pag supply ng kuryete sa nasabing lalawigan dahilan para makaranas ito ng power interruption.
Base sa abiso ng NGCP, tatagal 12 oras ang nasabing power interruption na magsisimula ng alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.
Ang nasabing maintenance work ay gagawin sa Guihulngan Substation na isa sa mga pasilidad ng NGCP sa nasabing lalawigan.
Humihingi naman ang pamunuan ng NGCP ng paumanhin sa mga maapektuhan ng nasabing power interruption, kasabay ng pagtitiyak na ibabalik ang supplay ng kuryente sa lalong madaling panahon.