LPA magdudulot ng mga pag ulan sa Mindanao at Visayas – PAGASA

Kasalakuyan parin na binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Base sa 3PM weather update ng PAGASA, huli itong namataan sa layong 540 kilometro silangan timog-silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Kumikilos pa-kanluran ang nasabing sama ng panahon papalapit sa Mindanao ngunit mababa ang tyansa nitong maging isang panibagong bagyo.

Gayunman, inaasahan itong magdadala ng kalat-kalat na pag ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Mindanao, Central at Eastern Visayas na maaaring magresulta sa mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan naman na may kalat-kalat na mga pag-ulan dahil sa hanging amihan ang mararanasan sa mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera Administrative at Cagayan Valley.

Habang maalinsangang panahon naman ang mararanasan sa Metro Manila at sa mga nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao liban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan sa hapon o gabi dulot ng localized thunderstorms.

Matatandaang nauna nang in-anunsyo ng PAGASA na asahan na ang mas malamig na panahon dahil sa pagpasok ng hanging amihan.

Read more...