Mga baril at Granada nakuha sa naarestong kidnapper sa Zamboanga City

PNA photo

Arestado ang hinihinalang miyembro ng kidnap-for-ransom group at ang kasama nitong babae sa isang police operation sa Barangay Tetuan, Zamboanga City.

Kinilala ang naaresto na si Saribin Jamilon alyas Renato Minez habang ang kasama nito ay nakilalang si Sarah Leila Akbar Jamilon.

Sa bisa ng isang search warrant, sinalakay ng mga pulis ang bahay ni Jamilon bandang alas-2:00 ng madaling araw ng Biyernes.

Nakuha sa bahay ng suspek ang isang fragmentation grenade,  rifle grenade, dalawang 7.62 millimeter rifles at ilang mga bala.

Ang mga naaresto ay agad na dinala sa headquarters ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para ipagharap ng kaukulang kaso.

Read more...