World leaders nagpaabot ng mensahe para sa mabilis na paggaling ni Duterte

Sinabi ng Malacanang na ilang mga world leaders ang nagpaabot ng paalala kay Pangulong Rodrigo Duterte na maghinay-hinay sa kanyang kalusugan.

Ito ay makaraan nilang makita ang sitwasyon ng pangulo na hirap sa paglalakad dahil sa back pain sa enthronement ni Japanese Emperor Naruhito.

Kabilang dito sina Japanese Prime Minister Shinzo Abe, newly-enthroned Emperor Naruhito, Thailand Prime Minister Prayut Chan-o-cha, at Myanmar’s State Counsellor Aung San Suu Kyi.

Ipinaabot nila ang mensahe kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na siyang kinatawan ng pangulo sa banquet at ilan pang aktibidad sa pag-upo sa trono ni Emperor Naruhito.

Nakasama ni Duterte-Carpio sa nasabing event ang 180 state leaders at mga ambassadors.

“The same best of health wishes were extended by Emperor Naruhito and Empress Masako, as well as Crown Prince Akishino and Crown Princess Kiko,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Sa Nobyermbre 1 ay nakatakda namang pumunta sa Thailand si Pangulong Duterte para dumalo sa gaganaping Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit doon.

Sa kasalukuyan ay nasa kanyajg bahay sa Davao City si Pagulong Duterte para magpahinga.

Read more...