BSP: Oil prices at ASF dahilan ng pagbagal ng takbo ng ekonomiya sa 2020

Ngayon pa lang ay nakikita na ng gobyerno ang bahagyang pagtaas sa presyo ng mga produckto at serbisyo sa susunod na taon.

May kaugnayan ito sa anila’y “international and domestic challenges”.

Sa kanyang press briefing, sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno na makaka-apekto pa rin sa bansa ang inaasahang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo pati na rin ang African Swine Fever.

“The balance of risks to the inflation outlook has shifted toward the upside for 2020, while it continued to tilt to the downside for 2021,” ayon pa kay Diokno.

Sinabi pa ng opisyal na target ng pamahalaan ang 3-percent na inflation para sa taong 2020.

Nilinaw rin ni Diokno na hindi lamang ang Pilipinas ang apektado ng malikot na presyo ng petrolyo kundi ang buong mundo.

Ipinaliwanag rin ng opisyal ng BSP na dapat mapigil agad ang pinsalang dulot ng ASF sa meat industry sa bansa.

Dahil sa ASF ay lalo pang tutumal ang bentahan ng karne ng baboy pero magiging dahilan naman para tumaas ang presyo ng iba pang meat products na makaka-apekto sa inflation sa kabuuan.

“Nevertheless, we expect growth to remain robust in the coming months as the national government continues to ramp up its spending programs, moreover, higher-frequency demand indicators point to an overall positive outlook for the domestic economy,” dagdag pa ni Diokno.

Read more...