Test flights ng China, ipinrotesta ng Pilipinas

 

Mula sa Xinhua/AP

Pormal nang naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa mga ginawang test flights ng China sa mga aritificial islands na itinayo nito sa West Philippines Sea o South China Sea.

Ayon sa DFA, inihain ang naturang protesta ng kagawaran sa pamamagitan ng kinatawan ng Chinese Embassy noong January 8.

Matatandaang noong nakaraang linggo, tatlong civilian aircraft ng China ang lumapag sa runway na itinayo ng China sa Fiery Cross reef o Kagitingan reef.

Nagawa pang magpa-picture ng mga pasahero ng tatlong eroplano at maging ng mga flight attendants nito sa isla.

Ayon kay DFA Spokesperson Assistant Secretary Charles Jose, isang paglabag sa code of conduct ng mga partidong kapwa umaangkin sa naturang lugar ang ginawa ng China.

Isa rin aniyang itong uri ng ‘provocative action’ na pumipigil sa freedom of navigation at overflight sa rehiyon.

Lalo pa rin aniyang pinatitindi ng China ang tensyon sa West Philippines Sea dahil sa mga ginagawa nitong hakbang.

Sa ilalim aniya ng 2002 declaration, na pirmado ng China at sampung bansa na miyembro ng ASEAN, nagkasundo ang mga ito na hindi gagawa ng anumang hakbang na magpapataas ng tensyon sa sa naturang lugar.

Sa kabila nito, binalweala naman ng China ang naturang protesta sa pagsasabing teritoryo nila ang naturang lugar na bahagi ng Spratlys.

Read more...