Mga kabataang nagkampo sa Kalayaan island, stranded

 

Mula sa FB/KAIM

Matapos magkampo ng ilang araw sa Kalayaan Island upang iprotesta ang pag-angkin ng China sa mga lugar na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas, stranded ngayon ang mga Miyembro ng Kalayaan Atin Ito Movement sa Palawan.

Ayon sa kanilang Facebook page, nasa 18 pa 30 mga estudyanteng kasapi ng grupo ang hindi makaalis ng Puerto Princesa City dahil sa kawalan ng kaukulang pamasahe sa eroplano pabalik ng Maynila.

Dahil dito, nananawagawan ang mga miyembro ng Kalayaan Atin Ito Movement ng donasyon mula sa mga may magagandang loob upang matulungan ang 18 nilang mga kasapi na makauwi matapos ang kanilang halos isang linggong pananatili sa isla ng Pag-asa.

December 26 nang dumating ng Pag-asa island ang nasa 30 mga estudyante mula sa iba’t-ibang paaralan upang iprotesta ang patuloy na pangangamkam ng teritoryo ng China.

January 3, 2016 nang makabalik ang mga ito sa Puerto Princesa City mula sa bayan ng Kalayaan ngunit hindi lahat ay nagawang makabalik sa Metro Manila dahil sa kakapusan ng pondo. Pansamantalang namamalagi ang mga kabataan sa Barangay Buenavista at binibigyan lamang ng tulong ng mga residente para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang Kalayaan Atin Ito Movement ay grupong binuo si dating Marine Col. Nicanor Faeldon

Layon sana ng grupo na makapagpadala ng 10,00 volunteers sa Kalayaan Island bilang bahagi ng protesta sa ginagawa ng China.

Read more...