4 arestado sa droga sa Taguig

File photo

Apat na katao ang inaresto matapos makuhanan ng droga sa operasyon sa Taguig City Biyernes ng gabi.

Ayon sa pulisya, arestado ang tatlong lalaki at isang babae.

Ito ay sa gitna ng Oplan Galugad at Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (Sacleo) sa Barangay Ususan pasado alas 10:00 ng gabi

Sa gitna ng operasyon ay kinapkapan ang apat at nakuha sa kanila ang iligal na droga.

Nasa pag-iingat ng mga suspects ang 19 sachet ng shabu na may timbang na 105 gramo at nagkakahalaga ng P714,000.

 

Read more...