Sa pahayag araw ng Biyernes, sinabi ng Purefoods na sa matagal na panahon ay kalidad na food products ang kanilang ibinibigay sa publiko.
Ayon pa sa kumpaya, nasa “highest standard” ang kanilang mga produkto gaya ng hotdog, ham at mga de lata.
Giit ng Purefoods, aprubado ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang kanilang mga produkto.
Mayroon din umanong certification mula sa Food and Drug Administration (FDA) ang mga prinosesong meat products ng Purefoods.
Ang Purefoods products ay gawa ng San Miguel Foods na nagsabing niluto ang kanilang Tender Juicy Hotdog at Fiesta Ham sa mataas na temperatura patunay na ligtas ito laban sa mapaminsalang organismo.
Dagdag ng kumpanya, ang mga farm na nagsu-supply ng mga produkto sa Purefoods ay dumaan sa “highest biosecurity measures” at nag-aangkat ng karne ng baboy mula sa mga bansa na walang ASF.
Pahayag ito ng food company matapos magpositibo sa ASF ang ilang processed meat products na umanoy galing sa Central Luzon.