Lalaki arestado sa droga at granada sa QC

Arestado ang isang lalaki matapos itong makuhanan ng shabu at granada sa operasyon ng pulisya sa Quezon City araw ng Biyernes.

Nakuha sa suspect ang limang sachet ng shabu at isang hand grenade sa buy bust operation sa Barangay Damayan Lagi.

Nasa P500 halaga ng shabu ang binili ng poseur buyer sa suspect na nakilala lamang sa alyas na Biboy.

Dalawang kaso ang kakaharapin ni alyas Biboy.

Nakatakda itong sampahan ng kasong paglabag sa Illegal Possession of Explosives at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...