MMDA: Coding suspendido sa Undas

Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding scheme sa Undas ngayong taon.

Ayon sa MMDA, ang hakbang ay dahil sa inaasahang dagsa ng mga pasahero na pupunta sa kanilang mga probinsya para sa taunang All Souls’ Day at All Saints’ Day.

Sa pahayag ay sinabi ng ahensya na walang number coding para sa mga provincial buses sa Huwebes, October 31 at Lunes, November 4.

Habang ang number coding scheme para sa mga pribado at pampublikong sasakyan ay suspendido sa Biyernes, November 1.

Samantala, sinabi ni MMDA Chairman Danilo Lim na hindi pwedeng mag day-off at mag-absent ang kanilang mga traffic enforcers sa October 31, November 1 at November 4.

 

Read more...