DOH muling nanawagan sa mga magulang na pabakunahan ng polio ang mga batang edad 5 pababa

Muling nanawagan ang Department of Health (DOH) na pabakunahan ang kanilang mga anak na may edad lima pababa.

Ito ay kasunod ng huling dalawang araw para sa unang round ng door-to-door polio vaccination campaign sa Metro Manila at ilang lugar sa Mindanao.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na magiging bukas ang mga health center sa araw ng Sabado, October 26, at Linggo, October 27, para sa mga nais magpabakuna.

Tuloy din aniya ang pag-iikot ng kanilang team para suriin kung mayroong mga bata na hindi pa nabibigyan ng bakuna kontra polio.

Matatandaang nagsimula ang kampanya kontra polio noong October 14.

Isasagawa naman ang huling round ng pagpapabakuna sa January 6, 2020.

Read more...