Dalawang katao inaresto kaugnay sa natuklasang 39 na bangkay sa container truck sa England

May inarestong dalawang katao na hinihinalang may kaugnayan sa pagkakatuklas ng 39 na bangkay sa loob ng isang container truck sa England.

Ayon sa British Police, dalawa pa ang inaresto nila maliban pa sa isang 25 anyos na lalaki na nauna nilang dinakip.

Ang dalawang suspek ay isang babae at isang lalaki na kapwa edad 38 at mula sa Warrington, England.

Hindi naman binanggit ng pulisya kung ano ang partikular na kaugnayan sa krimen ng dalawang dinakip.

Una nang sinabi ng mga otoridad na pawang Chinese nationals ang natagpuang bangkay.

Read more...