Korte Suprema nagpatupad ng re-organization sa mga miyembro ng tatlong dibisyon

Nagpatupad ng re-organization ang Korte Suprema sa mga miyembro ng tatlong dibisyon nito kasunod ng pagkakatalaga sa bagong chief justice na si Diosdado Peralta.

Ang SC first division ay bubuuin na ngayon ni Peralta bilang chairman, si Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguoia bilang working chairman, at miyembro naman sina Associate Justices Jose C. Reyes Jr. at Amy C. Lazaro Javier. Si Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting naman ay magiging temporary member.

Ang second division ng SC ay pamumunuan ni Associate Justice Estela M. Perlas Bernabe bilang chairperson at miyembro sina Associate Justices Andres B. Reyes Jr., Ramon Paul L. Hernando, at Inting. Habang temorary member si Associate Justice Rodil V. Zalameda.

Samantala si Associate Justice Marvic F. Leonen naman ang chairman SC third division, at miyembro nito sina Associate Justices Alexander G. Gesmundo, Rosmari D. Carandang, at Zalameda. SI Justice Javier naman ang temporary member.

Sa ngayon ay mayroong tatlong bakanteng pwesto sa SC.

Ito ay ang mga binakante nina Peralta na naging Chief Justice na, nagretirong si Justice Francis Jardeleza, at ang pagreretiro ni Justice Antonio Carpio.

Read more...