LOOK: PNR may Malasakit Help Kits din para sa mga pasahero sa Undas

Inihahanda na ng Philippine National Railways (PNR) ang mga Malasakit Help Kits para sa nalalapit na paggunita ng Undas.

Sa Facebook page ng Department of Transportation (DOTr), ibinahagi ang mga larawan kung saan makikita ang mga ipamimigay na inumin at light snacks sa mga bibiyaheng pasahero pauwi ng iba’t ibang lalawigan.

Bahagi anila ito ng “Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2019” na layong matiyak na ligtas at maayos ang biyahe ng mga Filipino sa Undas ngayong 2019.

Ipamimigay ang Malasakit Help Kits sa mga pasahero ng Metro at Bicol Commuter Line.

Nasa kabuuang 3,000 ang ipamimigay ng PNR sa mga pasahero.

Read more...