NPA idineklarang ‘persona non grata’ sa mahigit 200 barangay Bicol Region

Idineklarang ‘persona non grata’ ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mahigit 200 barangay sa Bicol region.

Sa isang forum, sinabi ni Col. Aldwine Almase, chief of staff ng 9th Infantry Division ng Philippine Army, na inaprubahan ang resolusyon ng Regional Task Force Katoninongan Asin Kauswagan.

Nasa kabuuang 209 na barangay ang sumang-ayon sa resolusyon dahil banta umano ang mga rebelde sa kaayusan sa lugar.

Ang mga pag-atake ng rebelde rin umano ang nagiging dahilan ng pagkaantala ng kaunlaran sa rehiyon.

Read more...