Planta ng yelo nasunog sa Mandaluyong

Tinupok ng apoy ang isang planta ng yelo sa bahagi ng Shaw Boulevard sa Mandaluyong City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog alas 4:25 ng hapon ng Biyernes, Oct 25 sa bahagi ng F. Bernardo Street.

Umabot lang sa unang alarma ang sunog at naideklarang fire out alas 5:19 ng hapon.

Wala namang napaulat na nasaktan sa sunog at inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Read more...