Balasahan ipinatupad sa Civil Security Group ng PNP; 27 opisyal inalis sa pwesto

Sinibak sa pwesto ang ilang opisyal sa ilalim ng Philippine National Police – Civil Security Group (PNP-CSG).

Sa isang press briefing, sinabi ni Police Maj. Gen. Roberto Fajardo, direktor ng CSG, na sinibak sa pwesto ang ilang opisyal mula sa Firearms and Explosives Office (FEO) at Supervisory Office on Security and Investigation Agencies (SOSIA).

Ito ay matapos mapaulat ang korupsyon sa nasabing hanay.

Sinabi ni Fajardo na kung hindi matitigil ang korupsyon, maaring ang mga junior police officer ang makaresolba sa problema sa nasabing tatlong hanay.

Ito aniya ang pinakamalaking ipinatupad na balasahan sa CSG.

Kasabay nito, hinikayat ni Fajardo ang publiko na iulat ang katiwalian sa mga pulis.

Read more...