LOOK: Presidential spokesperson Salvador Panelo nag-commute sa Bacolod

Muling sinubukang mag-cmmute ni Presidential spokesperson Salvador Panelo.

Pero hindi sa Metro Manila kundi sa Bacolod City.

Ibinahagi ni Panelo sa media ang larawan niya habang sakay ng tricycle na ayon sa kaniya ay P10 ang pamasahe bawat sakay.

Suot ang kaniyang puting long sleeves, nakasumbrero, pants at black shoes si Panelo nang mag-tricycle.

Ayon kay Panelo, walang madaanan ang mga pribadong sasakyan dahil nag-reroute ng traffic para sa MassKara Festival.

Magugunitang sinubaybayan ang commute challenge ni Panelo nang bumiyahe siya sakay ng jeep mula Marikina patungong Malakanyang.

Read more...