WATCH: ‘It’s Showtime’ nag-sorry sa wardrobe malfunction

Humingi ng paumanhin si Vice Ganda ng “It’s Showtime” matapos ang wardrobe malfunction na naranasan ni Lars Pacheco.

Nangyari ang insidente Biyernes, Oct 25 ng tanghali.

Bumaba ang bahagi ng dress ni Lars Pacheco, dahilan para malantad ang kanang dibdib ng “Miss Q&A” finalist.

Kumakanta noon si Lars katabi si Kim Atienza para sa opening number ng show.

Agad namang tumalikod si Lars para ayusin ang kaniyang damit.

Ayon kay Vice Ganda walang may kagustuhan ng pangyayari at maging si Lars ay hiyang-hiya sa insidente.

Humihingi umano sila ng paumanhin kung may na-offend man sa pangyayari.

Read more...