Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, apektado ng Amihan ang extreme northern Luzon at maghahatid na ito ng mahihinang pag-ulan sa Batanes, Cagayan, Apayao at Ilocos Norte.
Sa Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay magiging maaliwalas naman ang panahon.
Samantala, isang Low Pressure Area (LPA) naman ang binabantayan ng PAGASA sa layong 1,185 kilometers east southeast ng Mindanao.
Nasa karagatan pa ang LPA kaya maari pa itong lumakas.
Inaasahan ding lalapit ito sa bahagi ng Southern Luzon at sa susunod na mga araw ay maghahatid ng pag-ulan sa Southern Luzon, kasama ang Metro Manila at sa Visayas.
Ang bagyong may international name naman na Bualoi ay huling namataan sa layong 2,985 kilometers northeast ng extreme Northern Luzon.