Ayon kay Maj. Marvin John Encinas, tagapagsalita ng Western Mindanao Command, tinutugus ng mga miyembro ng MILF kasama ang mga sundalo mula sa 57th Infantry Battalion ng Philippine Army ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) nang may sumabog na improvised bomb.
Nangyari ito Huwebes (Oct. 24) ng umaga.
Ang tinutugis na BIFF members ay responsable umano sa pagpatay sa walong MILF members sa Barangay Dasawao, Shariff Saydona Mustapha.
Ginagamot ngayon sa ospital ang mga nasugatan na sina re Norhamen Sandigan, Akmad Quialodi, Fajad Matabalao, Dagol Palano, Islamin Esmael, Haron Adam at Hamid Matabalao, pawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng MILF.
Dinala sila sa ospital sa Datu Piang, Maguindanao at kalaunan ay inilipat sa Midsayap, Cotabato.