Ito ani Villegas ay para maiwasan ang impresyon na ginagawa nang negosyo ng simbahan ang relihiyong Katoliko.
Nakasaad rin sa kaniyang sirkular na may petsang January 12 na batid niyang may iba pang tinitinda sa ilang religious stores na wala nang kinalaman sa pagsusulong ng debosyon at katekismo.
Nagpapahiwatig na rin aniya kasi ang BIR hinggil sa pagpapataw ng buwis sa mga religous stores, lalo na sa ibang mga pinagkukunan ng pondo ng Simbahang Katoliko.
Ayon pa kay Villegas, napagdesisyunan sa kanilang clergy na wala munang bubuksan na bagong religious stores at ipasasara muna ang mga kasalukuyang bukas pa na tindahan hanggang sa makapag-sumite na sila ng mga kaukulang records sa BIR, at magkaroon ng mga business licenses mula sa pamahalaan alinsunod sa batas.
Bukod dito, naglabas din si Villegas ng circular noong Lunes na nagpapatigil sa mga simbahan sa pagpapatupad ng mga fixed rates sa mga serbisyo tulad ng sa binyag, o paglalabas ng mga baptismal, confirmation at marriage certificates.
Sa halip, nanawagan na lamang siya sa mga parokyano na suportahan ang Simbahan sa pamamagitan ng palagiang pagbibigay ng donasyon, kahit ano pa ang serbisyong kakailanganin nila.