Tumatakbong konsehal sa Maguindanao, binaril sa Cotabato City, patay

 

Patay isang kandidato sa pagka-konsehal sa Maguindanao nang pagbabarilin siya sa Cotabato City, Miyerkules ng gabi.

Naganap ang pamamaril ganap na alas-7:20 ng gabi, ilang oras lang matapos tipunin ni Liberal Party (LP) standard bearer Mar Roxas ang kanilang mga lokal na miyembro doon.

Kinilala ang buktima na si Macawili Saranga, 38-anyos na nakatira sa Buldon, Maguindanao at tumatakbong konsehal sa ilalim ng LP.

Nakatayo lamang si Saranga sa kanto ng Don Rufino Ave. at Dorotheo St., sa tabi ng Cotabato Puericulture Hospital habang kausap ang ilang kaibigan nang bigla siyang lapitan ng isang lalaki mula sa kaniyang likod at walang patumangga siyang binaril sa ulo.

Agad na ikinamatay ni Saranga ang tama ng bala mula sa kalibre .45 na gamit ng suspek.

Rido o away ng mga angkan ang tinitingnang motibo sa pagpatay, dahil sa sinabi ng mga kaanak niya na nakakatanggap na pala si Saranga ng mga banta sa buhay. Tinitingnan na rin ng mga pulis ang posibilidad na may kinalaman sa pulitika ang insidente.

Read more...