Pambato ng Pilipinas na si Vanessa Sarno nakakuha ng 3 medalya sa Asian Youth Junior Weightlifting Championships

Dalawang gintong medalya at isang silver medal ang nahakot ng pampato ng Pilipinas na si Vanessa Sarno sa 2019 Asian Youth and Junior Weightlifting Championships na ginanap sa Pyongyang, North Korea.

Nanguna si Sarno sa 71-kilogram youth women’s division matapos magtapos ng 209 kilograms.

Nakakuha din siya ng silver medal sa clean and jerk nang magtapos ng 118 kg.

Si Ju Hyang U ng North Korea ang nakakuha ng gintong medalya sa clean and jerk nang makakuha ng 119 kgs na isang kilo lang na mas mabigat sa nakuha ni Sarno.

Si Nigora Suvonova naman ng Uzbekistan ay nakakuha ng tatlong bronze medals.

Maliban kay Sarno, ang Pinay na si Chariz Macawli ay nakakuha ng silver medal sa 40-kg youth women’s division.

Ang isa pang Pinay na si Rosegie Ramos ay nakakuha naman ng bronze sa women’s 49 kg.

Read more...