Deandre Ayton ng Suns suspendido ng 25 games matapos magpositibo sa diuretic

Suspindido sa loob ng 25 games si Deandre Ayton ng Phoenix Suns.

Pinatawan ng NBA ng 25 games suspension without pay ang sentro ng Suns na si Ayton dahil sa paglabag sa alituntunin ng liga partikular ang Anti-Drug Program.

Ito ay makaraang magpostibo ang player sa diuretic.

Si Ayton ang number 1 overall pick noong sa NBA draft noong nakaraang taon at may average na 16.3 points at 10.3 rebounds.

Sa laban ng Suns kontra Sacramento noong Miyerkules ay nagtala si Ayton ng 18 puntos at 11 rebounds.

Sa pahayag ni Phoenix Suns General Manager James Jones sinabi nitong dismayado sila ginawa ni Ayton.

Hindi aniya ito naaayon sa standards at prinsipyo ng koponan.

Sa pahayag ay humingi naman ng paumanhin si Ayton sa kaniyang pamilya, sa Suns organization, kaniyang teammates, at sa fans.

Sinabi ni Ayton na isang unintentional mistake ang nangyari.

Read more...