Samples ng processed meat ipinadala sa UK ng DA para masuri

Nagpadala ng samples sa United Kingdom ang Department of Agriculture (DA) ng processed meat products na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan, ito ay para mas masuri pa ng husto ang mga produkto.

Ang samples ay kinuha mula sa branded manufacturer ng mga produktong hotdog, longganisa at tocino na nakumpiska sa Mindoro.

Sinabi rin ni Cayanan na ilang manufacturers din ang boluntaryong nagpadala ng samples sa DA para masuri.

Nanawagan naman ang DA sa mga hograiser na huwag magbebenta ng baboy na infected o may sintomas na.

Read more...