Kumpanyang Mekeni naglabas ng pahayag hinggil sa mga processed meat na nagpostibo sa ASF

Bagaman hindi pa inilalabas ng Department of Agriculture (DA) ang brand ng mga processed meat product na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF), naglabas na ng pahayag ang kumpanyang Mekeni hinggil dito.

Sa statement Mekeni Food Corporation, hindi nila inaasahan ang nasabing balita dahil ang kanilang kumpanya ay ISO-certified at istrikto silang sumusunod sa food safety at quality standards.

Ayon kay Mekeni Food Corporation President Prudencio Garcia, mahigpit din silang nakatutugon sa regulasyon ng gobyerno para matiyak na ang kanilang proseso at mga produkto ay pasok sa standards.

Lahat din ng kanilang raw meats na ginagamit ay sumailalim sa inspeksyon ng national Meat Inspection Service (NMIS) at may karampatang mga sertipikasyon mula sa regulatory bodies.

Ayon pa kay Garcia para sa ikapapanatag ng lahat, ginagawa ng Mekeni ang lahat upang ma-validate ang isyu at nangakong magiging transparent sila sa pagsusuri ng Bureau of Animal Industry (BAI).

Sinabi ng Mekeni na sa ngayon wala pa silang nakukuhang kopya ng nag-leak na report ng BAI.

Humingi rin ng paumanhin ang Mekeni sa publiko kung nagdulot ng panic ang usapin.

Read more...